Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2020

Aloe Vera

Imahe
Aloe Vera Ang katas na nakukuha sa aloe vera ay sinasabing mabisang gamot sa napasong balat, sugat, at kagat ng insekto. Madali lang ang paraan para magamit itong panlunas. Kumuha lang ng dalawa hanggang sa tatlong dahon ng aloe vera pagkatapos ay pigain o dikdikin para makuha ang katas nito at ipahid sa naapektuhang balat ang katas aloe vera.

Oregano

Imahe
Oregano Ang halamang gamot na ito ay sinasabing mabisa ring gamot sa paso o anu mang kagat ng ins ekto. Karaniwang dinidikdik ang dahon nito at itinatapal sa apektadong bahagi ng balat. Panatilihin sa balat sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras, at palitang muli kung kinakailangan.

Kampupot o Sampaguita

Imahe
Kampupot Nakakatulong ang halamang gamot na ito sa pagpapabilis ng paghilom ng sugat. Pinapakuluan ang mga dahon nito at kapag room temperature na sila, itinatapal sa nasugat na parte ng katawan. Para naman sa pangangati dahil sa kagat ng insekto, piniprito sa lana mula sa niyog ang dahon nito at nilalagay sa makating bahagi ng katawan hanggang sa mapawi ito.

Serpentina at Ang mga Benepisyo nito

Imahe
Serpentina Capsule Mga benepisyo at sakit na nagagamot nito.. Ang serpentina or sinta Andrographis Paniculata ay isang medicinal herb at kilala rin sa tawag na "King of Bitters" dahil sa lasa nito. Kadalasan itong hinahanap ng mga may sakit na diabetes dahil sa kakayanan nitong magpababa ng blood sugar. Pero bukod dito, sobrang dami pang kayang gawin ng serpentina sa ating kalusugan. Basahing mabuti ang mga benepisyo nito at pati na rin ang mga paalala sa bandang dulo.. Mga BENEPISYO at SAKIT NA NALULUNASAN ng SERPENTINA: 1. Analgesic Ang serpentina ay natural na pain killer. Mabuti rin itong pampababa ng lagnat 2. Ubo at Sipon Tinatanggal nito ang plema sa respiratory system 3. Diabetes at Blood Sugar Inaayos o pinapababa nito ang level ng blood sugar. Sa mga HINDI diabetic, ito ay proteksiyon upang hindi magkaroon ng diabetes 4. Antibiotic Ang serpentina ay panlaban sa impeksiyon 5. Anti-inflammatory Gamot sa pa...

Avocado - Benepisyo sa pagkain nito

Imahe
Masarap, malinamnam. Iyan ang kadalasang maririnig sa mga taong mahilig kumain ng avocado. Pero bago ito, ano nga ba ang katotohanan sa likod ng prutas na ito? Ayon sa mga pagsusuri ng mga eksperto, ang avocado ay nilalabanan ang posibleng pag- develop ng heart disease . Dahil mayroong 23 porsyentong folate ito na nakakapagpababa ng insidente ng heart disease. Mayroon rin itong vitamin e, monounsaturated fats at glutathione na maganda rin para sa puso. Ang avocado ay nakakaganda rin ng vision ng iyong mga mata. Ang avocado ay may carotenoid lutein na pumoprotekta laban sa mascular degeneration at katarata. Ang avocado ay nakakapagpababa ng cholesterol, dahil sa mataas na beta-sitosterol ng avocado, pinapababa nito ang bad cholesterol ng 22 porsyento at itinataas ang good cholesterol ng 11 porsyento. Pinapababa rin nito ang blood triglycerides ng 20 porsyento. Pinipigilan rin ng avocado ang pagkakaroon ng cancer. Lumalabas sa mga pagsusuri na ang avocado ay may mataas na ole...

Ang Mansanas

Imahe
KAYA naman pala may kasabihan na “an apple a day keeps the doctor away”, eh, dahil bukod sa prutas, ito ay may naidudulot din maganda sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan! 1. THE SECRET TO SKINNY. Noon pa man, alam nang ang pagkain ng mansanas ay masustansiya. Pero, maaari rin itong isama sa daily meal para magkaroon tayo ng mas tamang timbang at maiwasan ang pagiging overweight. 2. ANTI-CANCER. Ang araw-araw na pagkain ng mansanas ay nakatu­ tulong upang mailayo tayo sa panganib ng pagkakaroon ng cancer sa breast, prostate at colon. 3. HELP YOUR HEART FEEL GOOD. Ayon sa pag-aaral mula sa China, ang mansanas daw ay mabuti rin sa ating puso dahil mayroon itong polyphenols na nakatutulong din sa presyon ng dugo, kolesterol at upang mabawasan ang insulin resistance. 4. SKIN AND BONES. Bukod sa gatas at balut na mainam na pampatibay ng mga buto, ang mansanas na paborito nating kainin tuwing Bagong Taon ay keri rin itong gawin. He-he-he! 5. CAN HELP FIGHT ASTHMA. Sa mga beshy ...

Bayabas Gamot din sa sugat

Imahe
Bayabas Ang prutas na ito ay mayaman sa bitamina, habang ang dahon naman niya ay epektibong gam ot para sa sugat dahil nagtataglay ng anti-bacterial component. Karaniwang sariwang dahon ng bayabas ang nilalaga sa isang tasa ng tubig. Ang pinagkuluan ng mga dahon (kapag room temperature na) ang ginagamit panghugas sa sugat habang ang mga dahon naman ay itinatapal sa sugat.

Buto Ng Sunflower

Imahe
Buto ng sunflower Ang halamang ito ay likas na mayaman sa ilang mga mineral gaya ng magnesium kaya ito sinasabing may kakayanang pababain ang konsentrasyon ng sodium sa dugo. Kung kakain ng buto ng sunflower, pilii ang walang asin.

Melon

Imahe
Melon Ang sangkap ng melon na citrulline ay sinasabing nakapagpakalma ng mga baradong ugat at nakapagpapabawas ng presyon ngdugo.

Mga Halamang Gamot na Aprubado Ng DOH

Imahe
Ang natural na produkto ay isa sa mga mapagkukunan ng mga gamot sa industriya ng parmasyutiko, at ang isa sa mga kilalang pinagmulan ng natural na produkto ay ang mga halamang gamot. Ang mga halamang gamot ay may posibilidad na pagalingin ang ilang mga sakit at maaaring mapagkukunan ng mga potensyal na gamot. Inaprubahan ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ang 10 mga panggamot na halaman na sina  Allium sativum (Bawang / Bawang),  Blumea balsamifera (Nagal camphor / sambong),  Cassia alata (Ringworm bush / akapulko),  Clinopodium douglasii (Mint / yerba Buena),  Ehretia microphylla ( Scorpion bush / Tsaang Gubat),  Momordica charantia (Bitter Melon / Ampalaya),  Peperomia pellucida (Silver bush / ulasimang Bato),  Psidium guajava (Guava / Bayabas),  Quisqualis indica (Rangoon creeper / niyug-niyogan), at  Vitex negu...

mga Benepisyo Mula sa Ampalaya ( bitter melon)

Imahe
Marahil ay maraming hindi nakakaalam na may mga gamot na libre at matatagpuan lamang sa loob ng inyong bakuran. Isang magandang halimbawa nito ay ang ampalaya. Kilala sa siyensya bilang Momordica Charantia, ang tawag dito sa ingles ay bitter gourd o bitter melon. Madali itong mahanap dahil kahit sa loob lamang ng inyong bakuran ay maaring makapagtanim nito. Marami nga ang umaayaw dahil sa hindi magandang lasa nito. Pero alam niyo ba na sagana ito sa sustansyang kailangan ng ating katawan? Maraming taglay na bitamina at mineral ang ampalaya. Kabilang na dito ang Vitamin C, folate, dietary fiber at vitamin A. Ito rin ay magandang source ng carbohydrates. Anu-ano nga ba ang mga maaaring makuhang benepisyo mula sa ampalaya? May beneficial properties ito na kayang alisin ang mga toxins sa ating dugo. Mabuti itong remedyo sa hangover dahil kaya nitong linisin at muling isaayos ang atay pagkatapos mong kumonsumo ng alcohol. Mayroon itong hypoglycemic compound na nakakatulong upang...

KATAS NG SABILA ( Aloe Vera)

Imahe
KATAS NG SABILA (Aloe Vera) Mainam na gamut sa mga paso (burns) na gaya ng tilamsik ng mantika; ginagamit bilang pampalago ng buhok, pampakinis ng kutis, gamot sa sugat. Kunin ang katas ng dahon at ipahid sa balat na natilamsikan ng mantika; gamitin din ang katas para ikuskos sa anit at mukha. Maaari ring gamitin ang katas ng dahon bilang gamut sa sugat

Dahon Ng bayabas

Imahe
 Dahon ng Bayabas  Ginagamit na panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong panganak; tsaa para sa mga nagtatae. Ipanlanggas ang maligamgam o pinalamig na tubig sa sugat, galis, bakokang, minsan o dalawang beses maghapon. Ilaga o pakuluan ang dahon. Gamitin ang pinagpakuluang tubig.

Halamang Gamot sa Peklat

Imahe
Ang ating balat ay isa sa pinakamahalagang organo at ang pinakamalawak sa ating katawan. Ito ay tulad ng isang pinong tela na nagpoprotekta sa mahahalagang parte ng ating katawan. Isipin ang isang piraso ng sutla o tela. Ang isang maliit na hiwa ay maaaring gumawa ng isang malaking pagkakaiba sa hitsura nito. Gayundin, tulad ng tela, ang anumang pagkasunog, pinsala, hiwa o iba pang trauma sa balat, gaya ng nauugnay sa operasyon, ay maaaring maging sanhi ng peklat. Bakit ba nagkaka-peklat? Ang pagkakaroon ng peklat o scar ay likas na bahagi ng proseso ng pagpapagaling pagkatapos magtamo ng pinsala ang balat. Ang itsura at paggamot nito ay nakasalalay sa maraming mga kadahilanan. Maaaring magkakaiba ang laki ng peklat depende sa laki at lalim ng sugat na naidulot sa balat at kung gaano kahusay ang paggaling ng sugat. Ang peklat ay di naman masama kung ito ay maliit o nasa isang parte ng ating katawan na madaling itago. Ngunit kapag hindi, ito ay maaaring maging sanhi ng nakakahiyang ka...

Benepisyo sa pag inom ng warm water na may Honey sa umaga

Imahe
Ito ang Benepisyo ng Pag-Inom ng Warm Water with Honey Tuwing Umaga Ang honey o pulot ay mula sa mga bubuyog na karaniwalang dilaw o golden yellow ang kulay nito. Kilala ito sapagkat ito’y madaming hatid na mineral na siyang makabubuti sa ating katawan, tulad ng Magnesium,potassium, calcium, sodium, chloride, sulfur, zinc, iron, copper at iodine. Nagdadala din ito ng madaming carbohydrates ngunit mababa ang glycemic index,na siya makatutulong upang gumanda ang daloy ng ating dugo.Ang pagkonsumo din nito araw araw ay nakatutulong upang alisin ang mga toxins sa ating katawan na siyang nagpapabilis ng metabolismo at maayos na immune system. Ngunit hindi lamang iyan, narito pa ang walong maaring magandang maidulot sayo ng pag kain ng honey: 1.Pampababa ng timbang Napapasobra ba ang pagkain mo ng matatamis at nais mo bang bumaba ang iyong timbang? Marahil ang pagkain ng honey ang sagot sa iyong problema, sapagkat mayroon itong dalang kilalang mga mineral upang matulungan bumili...

Benepisyo sa pagkain Ng Atsara

Imahe
What is the benefits of atsara to our body? the food is high in fiber, this is also highly recommended for people with high blood because of high in potassium.Potassium is essential for the heart to function well. Atsara is also good for those suffering in constipation. Ano ang mga benepisyo sa pagkain ng atsara? ang atsara ay mataas ang fiber, ito rin ay lubos na inirerekomenda para sa mga taong may high blood dahil sa mataas na potassium .Ang asin ay mahalaga para gumana nang maayos ang puso. Magaling din ang Atsara para sa mga nahihirapan sa pagdumi.

nga Halamang Gamot sa pigsa

Imahe
HALAMANG GAMOT SA PIGSA Kapag tayong mga Pinoy ay nagkakasakit, naghahanap tayo ng mabisang halamang gamot. Ano ang halamang gamot para sa pigsa? Naglista kami ng ilang halamang gamot sa pigsa, kasama na ang mga paraan para sa paggamit ng mga ito. ALUGBATI Kumuha ng dalawang dahon ng alugbati. Dikdikin ito at ilagay sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw. AMARILLO O MARIGOLD Magdikdik ng tatlong dahon at dalawang bulaklak ng Amarillo, ilagay ito sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw. GUMAMELA Magtadtad ng limang dahon ng gumamela at ilagay ito sa ibabaw ng mata ng pigsa dalawang beses kada araw. LANGKA Pigain ang magatang katas ng balat ng puno ng langka at haluan ito ng kaunting patak ng suka. Initin ang pinaghalong katas at suka. Ilagay ito sa pigsa na mainit init pa. Takpan ng malinis na sa loob ng 20 minuto. Ulitin ito ng dalawng beses kada araw. SAMBONG Magtadatad ng limang dahon ng sambong at ilaga...

Mga Benepisyo Mula sa Malunggay

Imahe
Isa ang malunggay sa kilalang pinaka-hitik sa benepisyo para sa katawan o kalusugan ng pamilya. Mayaman sa bitamina at sustansiya ang dahon ng malunggay (kilala rin sa tawag na moringa), lalo para sa mga bata, at pati na rin sa mga mommy. Marami nang gumagamit nito para sa mga gamot, pati sa mga ulam. Hindi gaanong kilala o sikat ang gulay na ito, lalo na sa mga bansa sa Kanluran, pero sa Pilipinas, nagsimula nang malaman ng mga nutritionist, doktor at mga paaralan ang mga benepisyo ng malunggay. Isa na itong itinutuing na “superfood” ngayon. Ang Malunggay o Moringa Oleifera ay isang tropical tree na karaniwang tumutubo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ito ay kilalang Moringa, ben-oil tree, clarifier tree o drumstick tree sa Amerika at mga bansa sa Kanluran, La Mu sa China, Shevaga sa Marathi at Sajina naman sa India. Tinuturing na miracle tree ito dahil sa dami na nga ng nagagamot nito bilang sangkap s mga herbal medicine, at naitutulong nito sa kalusugan ng mga bata at ...