Serpentina Capsule Mga benepisyo at sakit na nagagamot nito.. Ang serpentina or sinta Andrographis Paniculata ay isang medicinal herb at kilala rin sa tawag na "King of Bitters" dahil sa lasa nito. Kadalasan itong hinahanap ng mga may sakit na diabetes dahil sa kakayanan nitong magpababa ng blood sugar. Pero bukod dito, sobrang dami pang kayang gawin ng serpentina sa ating kalusugan. Basahing mabuti ang mga benepisyo nito at pati na rin ang mga paalala sa bandang dulo.. Mga BENEPISYO at SAKIT NA NALULUNASAN ng SERPENTINA: 1. Analgesic Ang serpentina ay natural na pain killer. Mabuti rin itong pampababa ng lagnat 2. Ubo at Sipon Tinatanggal nito ang plema sa respiratory system 3. Diabetes at Blood Sugar Inaayos o pinapababa nito ang level ng blood sugar. Sa mga HINDI diabetic, ito ay proteksiyon upang hindi magkaroon ng diabetes 4. Antibiotic Ang serpentina ay panlaban sa impeksiyon 5. Anti-inflammatory Gamot sa pa...
Isa ang malunggay sa kilalang pinaka-hitik sa benepisyo para sa katawan o kalusugan ng pamilya. Mayaman sa bitamina at sustansiya ang dahon ng malunggay (kilala rin sa tawag na moringa), lalo para sa mga bata, at pati na rin sa mga mommy. Marami nang gumagamit nito para sa mga gamot, pati sa mga ulam. Hindi gaanong kilala o sikat ang gulay na ito, lalo na sa mga bansa sa Kanluran, pero sa Pilipinas, nagsimula nang malaman ng mga nutritionist, doktor at mga paaralan ang mga benepisyo ng malunggay. Isa na itong itinutuing na “superfood” ngayon. Ang Malunggay o Moringa Oleifera ay isang tropical tree na karaniwang tumutubo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ito ay kilalang Moringa, ben-oil tree, clarifier tree o drumstick tree sa Amerika at mga bansa sa Kanluran, La Mu sa China, Shevaga sa Marathi at Sajina naman sa India. Tinuturing na miracle tree ito dahil sa dami na nga ng nagagamot nito bilang sangkap s mga herbal medicine, at naitutulong nito sa kalusugan ng mga bata at ...
Dahon ng Bayabas Ginagamit na panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong panganak; tsaa para sa mga nagtatae. Ipanlanggas ang maligamgam o pinalamig na tubig sa sugat, galis, bakokang, minsan o dalawang beses maghapon. Ilaga o pakuluan ang dahon. Gamitin ang pinagpakuluang tubig.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento