nga Halamang Gamot sa pigsa

HALAMANG GAMOT SA PIGSA
Kapag tayong mga Pinoy ay nagkakasakit, naghahanap tayo ng mabisang halamang gamot. Ano ang halamang gamot para sa pigsa? Naglista kami ng ilang halamang gamot sa pigsa, kasama na ang mga paraan para sa paggamit ng mga ito.
ALUGBATI
Kumuha ng dalawang dahon ng alugbati. Dikdikin ito at ilagay sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.
AMARILLO O MARIGOLD
Magdikdik ng tatlong dahon at dalawang bulaklak ng Amarillo, ilagay ito sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.
GUMAMELA
Magtadtad ng limang dahon ng gumamela at ilagay ito sa ibabaw ng mata ng pigsa dalawang beses kada araw.
LANGKA
Pigain ang magatang katas ng balat ng puno ng langka at haluan ito ng kaunting patak ng suka. Initin ang pinaghalong katas at suka. Ilagay ito sa pigsa na mainit init pa. Takpan ng malinis na sa loob ng 20 minuto. Ulitin ito ng dalawng beses kada araw.
SAMBONG
Magtadatad ng limang dahon ng sambong at ilagay ito sa ibabaw ng pigsa dalawang beses kada araw.
PAANO BA MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG PIGSA?
Ang tamang paglilinis sa sarili ay magpapabawas ng posibilida na magkaroon ka ng pigsa. Sundin ang sumusunod na mga payo para makaiwas sa sakit na ito:
1. Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos na gumamit ng banyo
2. Maligo ng hindi bababa sa isang beses kada araw para maiwasang kapitan ng mga mikrobyo
3. Iwasan ang pag tiris sa pigsa at iba pang mga bukol sa balat
4. Ibabad sa mainit na tubig ang mga damit, kumot at tuwalya minsan sa isang linggo.
5. Makipag-usap sa doktor kung sakaling nagdududa ka na ikaw ay may iba pang karamdaman at kung hindi mo kayang gamutin ang pigsa na tumubo saiyo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Serpentina at Ang mga Benepisyo nito

Dahon Ng bayabas

Bayabas Gamot din sa sugat