Avocado - Benepisyo sa pagkain nito

Masarap, malinamnam. Iyan ang
kadalasang maririnig sa mga taong
mahilig kumain ng avocado.
Pero bago ito, ano nga ba ang
katotohanan sa likod ng prutas na
ito?
Ayon sa mga pagsusuri ng mga
eksperto, ang avocado ay
nilalabanan ang posibleng pag-
develop ng heart disease .
Dahil mayroong 23 porsyentong
folate ito na nakakapagpababa ng
insidente ng heart disease.
Mayroon rin itong vitamin e,
monounsaturated fats at
glutathione na maganda rin para sa
puso.
Ang avocado ay nakakaganda rin
ng vision ng iyong mga mata. Ang
avocado ay may carotenoid lutein
na pumoprotekta laban sa
mascular degeneration at katarata.
Ang avocado ay nakakapagpababa
ng cholesterol, dahil sa mataas na
beta-sitosterol ng avocado,
pinapababa nito ang bad
cholesterol ng 22 porsyento at
itinataas ang good cholesterol ng
11 porsyento. Pinapababa rin nito
ang blood triglycerides ng 20
porsyento.
Pinipigilan rin ng avocado ang
pagkakaroon ng cancer. Lumalabas
sa mga pagsusuri na ang avocado
ay may mataas na oleic acid na
siyang nakakapagpababa ng
posibilidad ng pagkakaroon ng
kanser.
Ang avocado ay isang magandang
solusyon rin para magka-weight
loss. Ang avocado ay mataas sa
fiber na tutulong sa’yo na mabusog
ng matagal na siyang
makakatulong sa weight loss.
Ang avocado ay isa ring natural na
anti-inflammatory agent na siyang
nakakapagpababa ng posibilidad
ng pagkakaroon ng arthritis.
Alam mo ba na ang avocado ay
nakakapagpapabata rin ng mukha?
Pinapabagal nito ang signs of aging
ng isang tao katulad ng pagka-
kulubot ng balat o pagkakaroon ng
wrinkles.
Ang avocado ay mas mataas rin na
potassium kaysa sa saging.
Ang avocado ay may 14 porsyento
ng potassium samantala ang
saging ay may 10 porsyento
lamang.
Ang mahalaga ay marunong
tayong mag disiplina sa ating sarili
lalo na sa ating kinakain na
direktang nakakaapekto sa ating
kalusugan.
Ang mga ito ay ilan lamang sa
napakagandang epekto ng avocado
sa ating katawan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Serpentina at Ang mga Benepisyo nito

Dahon Ng bayabas

Bayabas Gamot din sa sugat