mga Benepisyo Mula sa Ampalaya ( bitter melon)
Marahil ay maraming hindi
nakakaalam na may mga gamot
na libre at matatagpuan lamang sa loob ng inyong bakuran. Isang
magandang halimbawa nito ay ang ampalaya. Kilala sa siyensya bilang Momordica Charantia, ang tawag dito sa ingles ay bitter gourd o bitter melon. Madali itong
mahanap dahil kahit sa loob
lamang ng inyong bakuran ay
maaring makapagtanim nito.
Marami nga ang umaayaw dahil sa hindi magandang lasa nito. Pero alam niyo ba na sagana ito sa sustansyang kailangan ng ating
katawan?
Maraming taglay na bitamina at
mineral ang ampalaya. Kabilang na dito ang Vitamin C, folate, dietary fiber at vitamin A. Ito rin ay magandang source ng
carbohydrates. Anu-ano nga ba ang mga maaaring makuhang
benepisyo mula sa ampalaya?
May beneficial properties ito na
kayang alisin ang mga toxins sa
ating dugo. Mabuti itong remedyo sa hangover dahil kaya nitong
linisin at muling isaayos ang atay
pagkatapos mong kumonsumo
ng alcohol.
Mayroon itong hypoglycemic
compound na nakakatulong
upang pababain ang sugar levels
sa iyong dugo at ihi.
Nakakatulong itong ma-improve
ang energy at stamina level.
Sinasabing maigi din ito sa
pagkakaroon ng maayos na
sleeping pattern.
Nakakapagpatibay ito ng
immune system at may hatid na
dagdag resistensya panlaban sa
impeksyon
Nakakatulong sa pagbuti ng
kondisyon ng taong may
psoriasis at iba pang fungal
infection gaya ng ring worm at
athlete’s foot.
:)(Isang paalala: May mga sakit at
sugat lalo na ang mga infections na
kailangan ng payo ng doktor.
Huwag gamitin ang nakasaad dito
kung may pangamba. Hindi ito
medical advice at hindi sigurado na
epektibo.)
Ang paggamit ng ampalaya bilang
halamang gamot ay maaring
makahdlang sa pagkaepektibo ng
iba pang medisinang iniinom ng
mga taong may diabetes,
hypertension, sakit sa puso at iba
pa. Mabuting kumonsulta sa doktor
bago ito gamitin.
Mas mabuti ring kumonsulta sa
doktor tungkol sa tamang
pagkonsumo ng ampalaya kung
ikaw ay buntis o nagpapadede.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento