Mga Post

Halamang Gamot sa sakit Ng tiyan

Imahe
HALAMANG GAMOT SA SAKIT NG TIYAN: LUNAS KAPAG MASAKIT ANG SIKMURA Ang sakit ng tiyan ay isa mga sakit na mahirap na hanapan ng natural na lunas. Bakit? Kailangan mo munang hanapin ang pinaka sanhi ng pananakit ng sikmura bago ka magdisisyon kung anong halamang gamot ang iyong pwedeng subukan. Ang pagsakit ng tiyan ay malamang na dahil sa hindi ka natuwan, hyperacidity, kabag at marami pang iba. Halimbawang sumasakit ang tiyan mo dahil sa di mo pa matukoy na dahilan, ang mga pamamaraan na aming ilinsta ay makakatulong saiyo na maibsan ang iyong nararamdaman. GUMAMIT NG MAINIT NA BOTE Siguraduhing hindi naman sobrang mainit ang gagamitin mo. Ang kailangan mo ay ang init na makakayanan pa ng balat. Ang init ay makakatulong na marelax ang tensiyonadong mga kalamnan, lalo na kung pagsakit ng tiyan mo ay may kasamang paghilab. Ang init ay makakatulong na mabawasan kahit paano ang sakit. Kumuha ng isang bote at punuin ito ng tubig na katamtaman lamang ang init. Mahiga ...

Halamang Gamot sa Peklat

Imahe
Ang ating balat ay isa sa pinakamahalagang organo at ang pinakamalawak sa ating katawan. Ito ay tulad ng isang pinong tela na nagpoprotekta sa mahahalagang parte ng ating katawan. Isipin ang isang piraso ng sutla o tela. Ang isang maliit na hiwa ay maaaring gumawa ng isang malaking pagkakaiba sa hitsura nito. Gayundin, tulad ng tela, ang anumang pagkasunog, pinsala, hiwa o iba pang trauma sa balat, gaya ng nauugnay sa operasyon, ay maaaring maging sanhi ng peklat. Bakit ba nagkaka-peklat? Ang pagkakaroon ng peklat o scar ay likas na bahagi ng proseso ng pagpapagaling pagkatapos magtamo ng pinsala ang balat. Ang itsura at paggamot nito ay nakasalalay sa maraming mga kadahilanan. Maaaring magkakaiba ang laki ng peklat depende sa laki at lalim ng sugat na naidulot sa balat at kung gaano kahusay ang paggaling ng sugat. Ang peklat ay di naman masama kung ito ay maliit o nasa isang parte ng ating katawan na madaling itago. Ngunit kapag hindi, ito ay maaaring maging sanhi ng nakak...

Aloe Vera

Imahe
Aloe Vera Ang katas na nakukuha sa aloe vera ay sinasabing mabisang gamot sa napasong balat, sugat, at kagat ng insekto. Madali lang ang paraan para magamit itong panlunas. Kumuha lang ng dalawa hanggang sa tatlong dahon ng aloe vera pagkatapos ay pigain o dikdikin para makuha ang katas nito at ipahid sa naapektuhang balat ang katas aloe vera.

Oregano

Imahe
Oregano Ang halamang gamot na ito ay sinasabing mabisa ring gamot sa paso o anu mang kagat ng ins ekto. Karaniwang dinidikdik ang dahon nito at itinatapal sa apektadong bahagi ng balat. Panatilihin sa balat sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras, at palitang muli kung kinakailangan.

Kampupot o Sampaguita

Imahe
Kampupot Nakakatulong ang halamang gamot na ito sa pagpapabilis ng paghilom ng sugat. Pinapakuluan ang mga dahon nito at kapag room temperature na sila, itinatapal sa nasugat na parte ng katawan. Para naman sa pangangati dahil sa kagat ng insekto, piniprito sa lana mula sa niyog ang dahon nito at nilalagay sa makating bahagi ng katawan hanggang sa mapawi ito.

Serpentina at Ang mga Benepisyo nito

Imahe
Serpentina Capsule Mga benepisyo at sakit na nagagamot nito.. Ang serpentina or sinta Andrographis Paniculata ay isang medicinal herb at kilala rin sa tawag na "King of Bitters" dahil sa lasa nito. Kadalasan itong hinahanap ng mga may sakit na diabetes dahil sa kakayanan nitong magpababa ng blood sugar. Pero bukod dito, sobrang dami pang kayang gawin ng serpentina sa ating kalusugan. Basahing mabuti ang mga benepisyo nito at pati na rin ang mga paalala sa bandang dulo.. Mga BENEPISYO at SAKIT NA NALULUNASAN ng SERPENTINA: 1. Analgesic Ang serpentina ay natural na pain killer. Mabuti rin itong pampababa ng lagnat 2. Ubo at Sipon Tinatanggal nito ang plema sa respiratory system 3. Diabetes at Blood Sugar Inaayos o pinapababa nito ang level ng blood sugar. Sa mga HINDI diabetic, ito ay proteksiyon upang hindi magkaroon ng diabetes 4. Antibiotic Ang serpentina ay panlaban sa impeksiyon 5. Anti-inflammatory Gamot sa pa...

Avocado - Benepisyo sa pagkain nito

Imahe
Masarap, malinamnam. Iyan ang kadalasang maririnig sa mga taong mahilig kumain ng avocado. Pero bago ito, ano nga ba ang katotohanan sa likod ng prutas na ito? Ayon sa mga pagsusuri ng mga eksperto, ang avocado ay nilalabanan ang posibleng pag- develop ng heart disease . Dahil mayroong 23 porsyentong folate ito na nakakapagpababa ng insidente ng heart disease. Mayroon rin itong vitamin e, monounsaturated fats at glutathione na maganda rin para sa puso. Ang avocado ay nakakaganda rin ng vision ng iyong mga mata. Ang avocado ay may carotenoid lutein na pumoprotekta laban sa mascular degeneration at katarata. Ang avocado ay nakakapagpababa ng cholesterol, dahil sa mataas na beta-sitosterol ng avocado, pinapababa nito ang bad cholesterol ng 22 porsyento at itinataas ang good cholesterol ng 11 porsyento. Pinapababa rin nito ang blood triglycerides ng 20 porsyento. Pinipigilan rin ng avocado ang pagkakaroon ng cancer. Lumalabas sa mga pagsusuri na ang avocado ay may mataas na ole...