Halamang Gamot sa Peklat
Ang ating balat ay isa sa pinakamahalagang organo at ang pinakamalawak sa ating katawan. Ito ay tulad ng isang pinong tela na nagpoprotekta sa mahahalagang parte ng ating katawan. Isipin ang isang piraso ng sutla o tela. Ang isang maliit na hiwa ay maaaring gumawa ng isang malaking pagkakaiba sa hitsura nito. Gayundin, tulad ng tela, ang anumang pagkasunog, pinsala, hiwa o iba pang trauma sa balat, gaya ng nauugnay sa operasyon, ay maaaring maging sanhi ng peklat.
Bakit ba nagkaka-peklat?
Ang pagkakaroon ng peklat o scar ay likas na bahagi ng proseso ng pagpapagaling pagkatapos magtamo ng pinsala ang balat. Ang itsura at paggamot nito ay nakasalalay sa maraming mga kadahilanan. Maaaring magkakaiba ang laki ng peklat depende sa laki at lalim ng sugat na naidulot sa balat at kung gaano kahusay ang paggaling ng sugat.
Ang peklat ay di naman masama kung ito ay maliit o nasa isang parte ng ating katawan na madaling itago. Ngunit kapag hindi, ito ay maaaring maging sanhi ng nakakahiyang karanasan, lalo na kapag ikaw ay sadyang conscious sa iyong sarili. Pakiramdam mo ay hindi komportable o kanaisnais ang paglalantad ng mga scar na ito, maliban sa pagtatago nito sa ilalim ng iyong damit, nang di mapansin ng iba. Ngunit, kalainman di mo maitatago ang katotohanan na ang peklat ay hindi kailanman mawawala, maliban lang kung may gagawin ka tungkol dito. Kaya naman mayroong ilang mga pamamaraan na maaaring makatulong upang mabawasan ang laki at baguhin ang hitsura ng peklat.
Sa artikulong ito, alamin ang ilang mga paraan o mga gamot na maaaring makatanggal ng peklat at maibalik ang kompiyansa mo sa sarili!
Pantanggal ng Peklat
Narito ang ilang mga tip mula sa eksperto sa pag-aalaga ng balat (dermatologist) upang mabawasan at magamot ang peklat na dulot ng mga pinsala:
Ang limon ay naglalaman ng alpha hydroxy acid (AHA) na tumutulong upang alisin ang mga patay na selula ng balat, tulungan ang mga bagong selula na lumago, at ibalik ang ilang pagkalastiko sa balat. Bilang natural na pampaputi, makakatulong ito na mabawasan ang peklat.
Gawin ito:
Siguraduhing lubusan na nalinis ang peklat at ang paligid nito.
Maglagay ng 1 kutsarita ng lemon juice sa isang cotton ball.
Kuskusin ng cotton ball ang peklat.
I-steady ang cotton ball sa peklat sa loob ng 10 minuto at pagkatapos ay banlawan ito.
Ang lemon juice ay humihikayat sa iyong balat na maging sensitibo sa liwanag, kaya isaalang-alang ang paggamit ng sunscreen kung ikaw ay lalabas ng bahay.
Ang raw honey o pulot ay maaari ding gamitin upang gamutin o alisin ang mga peklat. Ito ay isang likas na moisturizer na epektibo rin sa paggamot ng mga sugat at humihikayat sa mga tisyu na mag-regenerate.
Gawin ito:
Paghaluin ang 2 kutsara ng raw honey at 2 kutsara ng baking soda upang makagawa ng exfoliating wash o paste.
Imasahe ito sa peklat at sa paligid nito sa loob ng 3 minuto.
Pagkatapos ay gamitan ng mainit na kompres.
Kapag lumamig na ang kompres, maari itong ipunas sa peklat at sa paligid nito.
Ang sibuyas ay may anti-inflammatory properties kaya maaaring nitong hadlangan ang produksyon ng collagen sa isang peklat. Sa ganyang paraan, hindi gaanong nakikita ang peklat.
Kadalasang matatagpuan ang extract ng sibuyas sa isang gel na maari mong ikuskos sa iyong peklat. Ang prosesong ito ay mahaba at maaaring tumagal ng ilang buwan bago mo makita ang anumang mga resulta.
Ang anti-inflammatory properties ng aloe vera ay tumutulong na mabawasan ang pamamaga sa balat at makakatulong na alisin ang patay na balat mula sa mga sugat. Maaari ring bawasan ng aloe vera ang pamamaga, tulungan ang pagkumpuni ng mga napinsalang selula ng balat, at palakasin ang mga bagong selula.
Ang aloe vera ay matatagpuan sa maraming anyo kabilang ang gel, ointment, at lotion. Ilapat at i-massage ang aloe vera nang direkta sa peklat maraming beses sa isang araw.
Ang pipino ay mura, madaling mahanap, at karaniwang ginagamit bilang moisturizer upang maging mas malambot ang balat. Ang pipino ay hindi masyadong acidic kaya hindi nakaka-irritate sa balat.
Gumawa ng paste na mula sa pipino sa pamamagitan ng pagbabalat, pag-aalis ng mga buto at pag-bi-blend nito kasama ng 4-5 dahon ng mint sa isang blender. Mag-beat ng puti ng itlog nang hiwalay at pagkatapos ay idagdag ito sa iyong halo.
Paano gamitin ang paste:
Ilapat ang paste sa peklat at iwanan ito sa loob ng mga 20 minuto.
Hugasan ito ng malamig na tubig at gumamit ng malinis na tuwalya upang matuyo ang peklat at paligid nito.
Regular na gawin ito upang makita ang mabuting resulta.
Ang malakas na langis na ito ay anti-bacterial at kapag ginamit nang maayos ay maaaring makatulong upang unti-unting maalis ang mga peklat, kabilang ang acne at surgical scar. Dahil napakalakas nito, dapat itong haluan ng tubig bago ilapat sa balat.
Magdagdag ng maliit na langis ng tsaa sa mainit na tubig upang makalikha ng isang solusyon.
Hugasan ang apektadong parte gamit ang solusyon, pagkatapos ay banlawan at dahan-dahang patuyoin ito.
Maaari kang makaranas ng kirot pagkatapos gamitin ang langis, ngunit malamang na dahil ito sa mga anti-bacterial agent na lumalaban sa impeksiyon. Kung magpapatuloy ang kirot, maaari mong ihinto ang paggamit nito at kumunsulta sa isang dermatologo bago ipagpatuloy ang paggamit nito.
Ang langis ng oliba ay mayaman sa bitamina E at K na mahusay sa pagpapanatili ng iyong balat na malusog. Gawin ito bilang isang epektibong paraan upang alisin ang iyong peklat nang mabilis. Ang virgin olive oil ay partikular na mataas sa anti-oxidant at may mas mataas na antas ng acidity, na tumutulong upang mabawasbawasan ang anyo o hitsura ng peklat.
Maaaring gawin lamang ito:
Kuskusin ng humigit-kumulang 1 kutsara ng langis ng oliba ang iyong peklat.
Gumamit ng mas mababa kung mas maliit ang peklat.
Masahiin ang iyong peklat gamit ang langis sa humigit-kumulang na 5 minuto upang tulungang paluwagin ang tisyu ng peklat.
Iwanan ang langis sa iyong balat nang halos 10 minuto, pagkatapos ay punasan ito gamit ang malinis na tela.
Tulad ng lemon juice, ang cocoa butter ay dapat na ipapataw araw-araw para sa mga benepisyo ng pagpapagaling. Kuskusin ito sa apektadong bahagi ng balat. Hindi na kailangang hugasan ito, dahil ina-absorb ito ng iyong balat. Ang cocoa butter ay madalas na inirerekomenda upang maalis ang anumang stretch mark at magamot ang sugat na dulot ng pagpapa-tattoo.
Ang pagkakaroon ng makinis na balat na walang anu mang bahid o mantsa ay talagang kaayaaya. Ngunit tandaan ang pagkakaroon ng malusog na balat ay nakasalalay sa kung paano mo pinapangalagaan ang iyong balat. Kaya bago pa man magkaroon ng anumang peklat sa balat dahil sa sugat na natamo, mahalaga ang paggawa ng ilang mga hakbang upang malabanan ang pagkakaroon nito. Ngunit, dahil hindi mo lubos maiiwasan ang pagkakaroon ng peklat, ang impormasyon na tinalakay sa artikulong ito ay seguradong mamakatulong ito upang mapawi ang iyong pag-aalala.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento