Halamang Gamot sa sakit Ng tiyan
HALAMANG GAMOT SA SAKIT NG TIYAN: LUNAS KAPAG MASAKIT ANG SIKMURA
Ang sakit ng tiyan ay isa mga sakit na mahirap na hanapan ng natural na lunas. Bakit? Kailangan mo munang hanapin ang pinaka sanhi ng pananakit ng sikmura bago ka magdisisyon kung anong halamang gamot ang iyong pwedeng subukan. Ang pagsakit ng tiyan ay malamang na dahil sa hindi ka natuwan, hyperacidity, kabag at marami pang iba. Halimbawang sumasakit ang tiyan mo dahil sa di mo pa matukoy na dahilan, ang mga pamamaraan na aming ilinsta ay makakatulong saiyo na maibsan ang iyong nararamdaman.
GUMAMIT NG MAINIT NA BOTE
Siguraduhing hindi naman sobrang mainit ang gagamitin mo. Ang kailangan mo ay ang init na makakayanan pa ng balat. Ang init ay makakatulong na marelax ang tensiyonadong mga kalamnan, lalo na kung pagsakit ng tiyan mo ay may kasamang paghilab. Ang init ay makakatulong na mabawasan kahit paano ang sakit.
Kumuha ng isang bote at punuin ito ng tubig na katamtaman lamang ang init. Mahiga ka sa komportableng posisyon at ipatong ang mainit na bote sa tiyan. Dapat ay komportable ka sa init nito at hindi ka napapaso o nasasaktan. Gawin ito sa loob ng hindi bababa sa loob ng 15 minuto, o hanggang sa kailangan mo pa. Baka kailanganin moa ng pagpalit ng mainit na tubig sa bote kung ito ay lumamig na.
TUBIG NA GALING SA BIGAS PARA SA SAKIT NG TIYAN
Ang tubig na galing sa bigas ay magsisilbing demulcent, isang sangkap na makakabawas sa pamamaga ng sikmura sa pamamagitan ng paglalagay nito ng manipis na balot sa lining ng iyong sikmura. Kaya’t huwag ka munang magsaing hangga’t di mo pa nababasa ang paraan kung paano ito gagawin.
Kailangan mo ng kalahating tasa ng bigas, dalawang tasa ng tubig at kaldero. Lutuin mo ang bigas sa tubig na dalawang beses ang dami. Ikaw na ang bahalang magpasya kung gaano karami ang lulutuin mo basta ang mahalag ay ang tubig ay dalawang ulit ang dami sa bigas kumpara sa normal mong ginagawa kapag magsasaing. Ilagay ang bigas sa kaldero at ilagay ang tubig. Lutuin sa kalan na naka medium low ang init. Kapag napansin mong nagsisimula nang lumambot ang bigas, alisin ito sa sa kalan at hayaan sa loob ng tatlong minuto na hindi inaaalis ang takip ng kaldero. Kunin moa ng tubig na nasa bigas at inumin ito ng mainit pa. Pwede ka namang maglagay ng honey at asukal kung gusto mo. Ibalik ang kaldero sa bigas at ituloy ang pagsaing nito para hindi ito masayang.
YERBA BUENA PARA SA SAKIT NG TIYAN
Ang tsaa na gawa sa yerba Buena ay makakatulong saiyo para mairelax ang mga kalamnan sa sikmura. Tinutulungan din nito ang atay para magpalabas ng mga likido na kailangan para sa malusog na pagtunaw ng pagkain. Ang yerba buena ay halamang gamot sa sakit ng tiyan lalo na kung ito ay dahil sa kabag at hindi pagkatunaw ng pagkain.
Kailangan mong maghanda ng isang dakot na dahon ng yerba buena, kalahating kutsara kung pinatuyo ang dahon, isang tasa ng tubig at mug.
Ilagay ang mga dahon sa mug. Buhusan ang dahon ng isang tasa ng kumukulong tubig at hayaan ito sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Inumin ng marahan habang ito ay mainit pa. Kung preskong dahon ng yerba buena ang ginamit mo, pwede mo itong nguyain para maalis agad ang pananakit ng sikmura. Pwede namang bumili ng yerba buena tea kung available ito sa botika na malapit sainyo.
MAINIT NA LEMON WATER
Kung ang pagsakit ng tiyan mo ay dala ng impacho, ang tubig na may lemon (o mas kilala sa tawag na American lemon dito sa atin) ay makatutulong upang maibsan o mabawasan ang pananakit. Ang mataas na acidity ng lemon ay nagpapalakas sa sikmura na magpalabas ng hydrochloric acid na siyang tumutunaw sa pagkain. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng dami ng hydrochloric acid sa tiyan, itinatama mo ang pagtunaw sa pagkain sa tama nitong bilis.
Kailangan mo ng isang buong lemon at mainit na tubig. Hugasan mo ng maigi ang lemon. Hatiin mo sa apat na piraso at ilagay sa mug. Buhusan ng isang tasang kumukulong tubig at hayaan sa loob ng sampung minuto. Inumin ng mainit pa.
SALABAT PARA SA SAKIT NG TIYAN
Ang luya ay may sangkap na gingerols at shogaols na tumutulong para marelax ang tensiyonadong mga kalamnan, tulad mga kalamnan sa loob ng tiyan. Ang luya ay nakatutulong para mabawasan ang pananakit at paghilab ng tiyan. Ang luya ay malaking tulong din kun nakakaranas ka ng pagkahilo na kasabay ng pagsakit ng tiyan. Ang pag inom ng mainit na salabat na gawa sa luya ay isang natural na lunas sa sakit ng tiyan.
Kailangang mong maghanda ng dalawang pulgada ng luya, matalim na kutsilyo, dalawang tasa ng tubig, honey o asukal. Hugasang mabuti, balatan at gayatin ng pino ang luya. Maglaga ng dalawang tasa ng tubig at ihalo ang luya kapag kumukulo na ang tubig. Pakuluin pa ng tatlong minuto at hayaan sa loob ng dalawang minuto. Alisin sa kalan ang pinaglagaan, kunin ang tubig at lagyan ng honey o asukal bilang pampatamis. Inumin ng marahan habang mainit pa.
KAILAN DAPAT KUMUNSULTA SA DOKTOR KAPAG MASAKIT ANG TIYAN
Bagaman karamihan sa mga kaso ng pagsakit ng tiyan ay hindi malala at naaalis sa pamamagitan lamang ng pag inom ng mga halamang gamot sa sakit ng tiyan na atin nang napag usapan, tandaan na may mga pagkakataong kailangan mong humingi ng tulog.
Tumawag sa doktor kapag:
Ang sakit ng tiyan ay dahil sa pagkasugat ng tiyan o aksidente
Sumasakit ang tiyan kasabay ng dibdib
Nakakain ng sirang pagkain o lason
Dalhin sa emergency room ang kapamilya o kaibigan kapag:
Ang sakit ay matindi anupa’t hindi mo na kayang umupo o tumayo ng tuwid
Ang sakit ng tiyan ay sinasabayan ng dugo sa pagdumi, pagkahilo o pagsusuka, paninilaw ng balat at pamamaga ng sikmura
Magbisita sa doktor kung natatakot ka sa ang pagsakit ng tiyan mo ay naaalis sa loob ng ilang araw. Iwasan muna ang pag inom ng mga gamot tilad ng ibuprofen o aspirin dahil ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng iritasyon sa sikmura at paglala ng pananakit.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento