Halamang Gamot sa sakit Ng tiyan
HALAMANG GAMOT SA SAKIT NG TIYAN: LUNAS KAPAG MASAKIT ANG SIKMURA Ang sakit ng tiyan ay isa mga sakit na mahirap na hanapan ng natural na lunas. Bakit? Kailangan mo munang hanapin ang pinaka sanhi ng pananakit ng sikmura bago ka magdisisyon kung anong halamang gamot ang iyong pwedeng subukan. Ang pagsakit ng tiyan ay malamang na dahil sa hindi ka natuwan, hyperacidity, kabag at marami pang iba. Halimbawang sumasakit ang tiyan mo dahil sa di mo pa matukoy na dahilan, ang mga pamamaraan na aming ilinsta ay makakatulong saiyo na maibsan ang iyong nararamdaman. GUMAMIT NG MAINIT NA BOTE Siguraduhing hindi naman sobrang mainit ang gagamitin mo. Ang kailangan mo ay ang init na makakayanan pa ng balat. Ang init ay makakatulong na marelax ang tensiyonadong mga kalamnan, lalo na kung pagsakit ng tiyan mo ay may kasamang paghilab. Ang init ay makakatulong na mabawasan kahit paano ang sakit. Kumuha ng isang bote at punuin ito ng tubig na katamtaman lamang ang init. Mahiga ...